Akala ko Tapos na, may kasunod pa pala…

February 13, 2008

Akala ko Tapos may kasunod pa pala…
Akala ko katapusan na ng lahat ng iwanan nya ko… akala ko walang pag-asa para maka takas pa sa mundong ginulo mo…pwes…napagtanto ko…mali pala ako… my pag-asa pa pala… hindi pala lahat ng gabi madilim… minsan may mga bahay pa pala na handang magbukas ng pinto at patuluyin ka sa tahanang maliwanag…. Ito ay para maliwanagan din ako… hindi ko inaasahan na sa pagkikita namin, magbabago takbo ng buhay ko…nagulat ako sa inasal niya… akala ko kasi wala nang natitirang totoong tao… meron pa pala… at napag-isip-isip ko na tama nga pala ung kasabihan na ang hindi “lumingon sa pinanggalingan… di makararating sa paroroonan…” oo nga corny… pero totoo… kung hindi ko siguro binalikan yung mga kaibigan ko upang tapunan ng sama ng loob… hindi ko siguro makikilala yung tao na hinahanap ko… yung tao na hihila sakin mula sa ilalim ng gumuhong bahay…hindi ko ito inaasahan… kung baga… surprise! At totoong surprise! Nakilala ko siya!hehehe…naka isa din ako…sana siya na nga ung hinahanap ko… ung special-someone na matagal ko ng hinahanap….kahit hindi pa kami ganung magkakilala… alam ko… darating yung araw na tatanggapin niya ko bilang special-someone nya… at hindi malayo yun….dahil ramdam ko na sa bahay na pinasukan ko yung sarap ng feeling kapag kasama siya…. Ung init ng pagtanggap….ung atensyon na binibigay… at higit sa lahat… yung pagtanggap niya sakin kung ano ako… kung ano ang mayroon sakin at kung ano man ang mga nakaraan sakin….hindi pala sa lahat ng kasawian may luhang papatak… hindi pala sa lahat ng pighati may kalungkutan…dahil natuklasan ko sa bandang huli maypag-asa pang makangiti…. Natuklasan ko nga din na hindi pala lahat ng pagsisisi nasa huli… karamihan nasa gitna… nagsisi ako nung makilala kitang bata ka… pero naisip ko rin… malamang kung hindi kita nakilala… at hindi mo ako sinaktan…malamang hindi ko rin makikilala ung taong nagpapangiti sakin ngayun… oo nga pala… salamat at sinaktan mo ako… dahil dun… naka jackpot ako… at malaki pagkakaiba nyo… dahil siya ginto… hindi tulad mo… tanso…..salamat ha!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: